Apektado na ang maraming residente sa maraming lugar sa Northern Cebu dahil matapos sumulpot ang mga sinkhole mula sa nakaraang 6.9 magnitude na lindol lalo pang lumalaki ang mga ito na nagiging banta sa marami.
Kita sa upload ni Honey Bantulan na malaki na ang nakitang sinkhole at tuluy-tuloy pa rin ang pagguho ng lupa sa gilid ng kabahayan.
Ayon sa DENR-Mines and geosciences bureau, pinakaaapektado ang mga bayan ng San Remigio, Nedellin, Bogo City, Tabogon at Daanbantayan.
Kamakailan lamang naglabas ang MGB ng subsidence threat advisory o babala sa posibleng pagguho ng lupa dahil sa nakumpirmang mga lumubog na lupa at bitak sa ilang barangay.
Ipinag-utos ng MGB sa mga local government unit na bakuran at lagyan ng babala ang mga delikadong lugar at huwag nang tirhan ang mga ito.
ADVERTISEMENT
Base sa pag-aaral ng mga geologist may malalawak na limestone deposits ang cebu na madaling matunaw ng ulan at tubig sa ilalim ng lupa kaya madaling magkaroon ng mga butas o sinkhole.
Patuloy namang mino-monitor ng mga otoridad ang ground movement habang nagpapatuloy ang mga aftershock at pag-ulan sa lalawigan.



