Nanumpa na nitong Martes ng gabi ang mga senador bilang hukom para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa mga akusasyon ng katiwalian, paglabag sa konstitusyon at iba pang high crimes.
Natuloy ang pag-convene ng senado bilang impeachment court sa kabila ng mosyon ng Duterte ally na si Senator Bato Dela Rosa na ipa-dismiss ang impeachment proceedings.



