Isa-isa nang naghain ng kani-kanilang priority bills ang mga senador para sa 20th Congress.
Ilan sa mga nabigyang-puwang ng mga senador ang pagtutok sa pasahod edukasyon at kalusugan.
Samantala, umapela si dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga kasamahan na pumili na ng bagong Senate President.
Ayon kay Xubiri, ayaw niyang maging “diktador” ang lider ng senado at dapat manatili itong independent at may integridad.
Giit pa ni Zubiri, consultative ang kaniyang pamumuno noong siya pa ang namumuno sa senado at inaayos ang mga isyu sa loob ng caucus at hindi sa plenaryo.