Mga sasakyan na magtutungo sa NAIA Terminal 1 at 2, bawal na pumarada paharap matapos ang insidente sa paliparan

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Mga sasakyan na magtutungo sa NAIA Terminal 1 at 2, pinagbabawalan nang pumarada paharap matapos ang insidente sa departure area ng paliparan.

Ayon sa New NAIA Infrastracture Corp. (NNIC), sa halip na palihis na pagpuwesto ng mga sasakyan, pahilera o parallel unloading ang gagawin.

Mas ligtas umano ito, tulad ng ginagawa sa NAIA Terminal 3.

Pinalitan na rin ang nasirang bollard sa departure area ng NAIA para i-upgrade ang istruktura.

ADVERTISEMENT