Mga researcher sa Mindanao State University, nakaimbento ng device para sa mga may kapansanan sa paningin | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nakapag-develop ng aparato ang mga researchers ng Mindanao State University – General Santos na matutulungan ang mga taong may kapansanan sa pagtawid.

Ang “Safe Step” device ay isang smart assistance system na gumagamit ng motion detection at audio-based guidance.

Ayon kay Jade Lienar Galaura na isa sa developer nito, ang Safe Step ay maaaring ikabit sa mga traffic light at traffic light pedestrian na bibigyang babala ang mga taong may visual impairment kung ligtas nang tumawid. Pinagagana din ito ng artificial intelligence video analyzation.

May webcam, speakers at processing unit ang imbensyon na magbibigay ng signals sa isang pedestrian na maaari nang tumawid sa daan.

ADVERTISEMENT

Marami man itong kayang gawin, malaki pa umano ang puwedeng i-improve ng device pagdating sa accuracy at speed, banggit ng adviser ng proyekto na si Cristina Dadula.

Salamat sa paglilingkod sa masa, MSU! (Denniel Salayo/ News Light)