Ipinuwesto na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ready-to-eat food packs sa 25 na mahahalagang pantalan sa buong bansa bilang paghahanda para sa mga pasaherong maaaring ma-stranded sa panahon ng kalamidad.
Ayon sa DSWD, hindi na kailangang lutuin o lagyan ng mainit na tubig ang mga pagkain.
Dinisenyo ang mga ito kasama ang Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), kung saan bubuksan na lamang at maaaring kainin agad ang mga pagkain, habang tinitiyak na masarap at masustansya ang mga ito.
Kabilang sa mga food packs ang champorado, arroz caldo, tuna paella, chicken pastil, chicken giniling, protein biscuits, at espesyal na pagkain para sa mga bata at mga inang nagpapasuso.
Dagdag pa ng ahensya, maaari ring gamitin ang mga food packs sa iba pang emergency response sa loob at labas ng mga pantalan.