Mga pulis na overweight o hindi pumasa sa physical fitness test, hindi maipo-promote – PNP chief | News Light

📅 June 12, 2025 03:18 PM PHT  |  ✏️ Updated June 12, 2025 03:18 PM PHT
👤 Carlene Latuna  |  📂 News Light, Latest News

Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III na hindi maaaring ma-promote ang isang pulis kung ito ay overweight o hindi makapasa sa physical fitness test.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, kailangang pumasa sa fitness test at magkaroon ng normal body mass index ang isang pulis bago itaas ang kanilang ranggo.

Malinaw aniya itong nakasaad sa kanilang circular at polisiya.

Maliban dito, hindi rin maaaring mag-avail ng schooling ang pulis na hindi papasa sa test.

Sakop ng kautusan ang lahat ng pulis upang aniya isaayos ang organisasyon.