Mga produkto ng Elufa, bumida sa MAFBEX 2025 | News Light

📅 June 17, 2025 02:35 PM PHT  |  ✏️ Updated June 17, 2025 02:35 PM PHT
👤 Jomar Villanueva  |  📂 Good News, Good Vibes, Latest News, News Light

Muling bumida ang mga produktong gawang Pinoy sa katatapos lang na Manila Foods and Beverages Expo (MAFBEX) 2025 sa World Trade Center Metro Manila.

Syempre, hindi nawala ang mga product launch, forums, competitions, at cooking demos.

Gaya na lang ng mga produktong gawa ng Elufa Multi-Link Incorporated.

Mismong si Elufa brand ambassador Chef Irish Manrique ang nag-demo ng kanilang mga produkto, mula sa mga abot-kaya at dekalidad na bakery products, hanggang sa mga bagong seasonings at cooking needs.

Ayon kay Elufa Sales and Marketing Officer Ria Suyat, maganda ang naging feedback ng mga dumalo sa kanilang cooking demo.

Ipinagmalaki nila ang ube and halaya mix, pati na rin ang bagong instant dry yeast na mabibili na sa Elufa.

Ayon pa kay Suyat, “Talagang hindi mapapahiya ang mga nais sumubok ng Elufa products.”