Iniimbestigahan na ng mga otoridad, ang posibleng nagpasimula ng riot noong September 21 sa Maynila.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, tinukoy na ang hindi pa pinangalanang tatlong indibidwal na maaaring nagpondo o nag-organisa ng gulo kabilang ang isang kilalang abogado at dating opisyal ng Marcos administrasyon.
Giit niya, haharapin ng lungsod ang mga nasa likod ng tila pagsira at pambababoy umano sa Maynila lalo na kung may sapat nang ebidensya.
Binuksan din ni Moreno, ang angulo ng posibleng pagkakasangkot ng mga pulitiko na gustong ilihis ang pansin sa mga kontrobersiya o sirain ang credibility ng mga ralyista, sa pamamagitan ng paglikha ng gulo.



