Bukas na at maaari nang daanan ang limang pangunahing kalsada papuntang Baguio na nasira dahil sa mga nagdaang sama ng panahon.
Kabilang sa mga bukas na kalsada ang Marcos Highway, Baguio–Bauang Road, Asin–Nangalisan–San Pascual–La Union Road, Benguet–Nueva Vizcaya Road, at Baguio–Bontoc Road.
Gayunman, nananatiling sarado ang Kennon Road dahil sa panganib ng pagbagsak ng bato at pagguho ng lupa habang nagpapatuloy ang clearing operations.
Sarado rin ang Baguio–Itogon Road sa Sitio Goldfield, Poblacion, Itogon, Benguet bunsod ng landslide, kaya pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Ucab–Midas Road bilang alternatibong ruta.
ADVERTISEMENT
Pinapaalalahanan din ng DPWH ang publiko na mag-ingat sa mga bagong bukas na kalsada at sumunod sa mga traffic sign para sa kaligtasan.



