Dumating ang League of Bangsamoro Organization (LBO) at Federation of Bangsamoro Coordinating Councils of the Philippines (FBCCP) sa Supreme Court matapos ipagpaliban ang BARMM elections sa October 13.
Dahil ito sa temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema na nag-uutos sa Comelec, Bangsamoro Transition Authority at lahat ng kumikilos na huwag nang ipatupad ang Bangsamoro Authority Act o BAA 77, o batas na naglilipat ng pitong district chief na sa parliyamentong orihinal na nakalaan sa Sulu.
Dahil dito, hininto ng Comelec ang lahat ng preparasyon sa eleksyon.
Mula Comelec, sumugod kahapon ang mga Muslim group sa Korte Suprema para i-protesta ang pagpapaliban ng kauna-unahang BARMM parliamentary elections na dapat ay October 13.
ADVERTISEMENT
Ayon sa LBO at FBCCP, sapat pa ang panahon para sa preparasyon para sundin ang nasunod na araw nito ipagpapatuloy ang eleksyon. (Rhowell Gonzaga/News Light)



