Illegal invasion.
Ganyan tinawag ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendana ang pag-atake ng US sa Venezuela.
Alas-dos ng madaling araw sa Venezuela noong January 3 nang maglunsad ng airstrike ang US sa Caracas, ang capital city ng Venezuela.
Dito nadakip ng US forces ang Venezuela President at diktador na si Nicolas Maduro, kasama ang kanyang asawa na si Cilia Flores, upang humarap sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga at narco-terrorism.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Cendana, ipinapakita ng agresyon ng US sa Venezuela ang kaparehong agresyon ng China sa Pilipinas at ng Russia sa Ukraine.
Bagay na sinang-ayunan ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima, na tinawag na abduction ang pagdakip kay Maduro.
Ayon kay De Lima, posible itong maghudyat sa iba pang makapangyarihang bansa upang lusubin ang maliliit na bansa.
ADVERTISEMENT
Kompromiso rin umano ito para sa Pilipinas, lalo’t kaalyado ng bansa ang US sa kabila ng nararanasan nitong agresyon ng China sa West Philippine Sea.
Kinondena rin ng iba’t ibang progresibong grupo ang anila’y imperyalismo ng US.
Ayon sa grupong Bayan, maituturing na pangunahing sanhi ng sigalot at digmaan ang US dahil sa pagnanais nitong mangamkam ng resources ng ibang mga bansa.
ADVERTISEMENT
Nanggaling mismo kay Trump ang pahayag na nais ng US na makinabang sa oil reserves ng Venezuela.



