Binigyan ng Department of Transportation (DOTr) ng 60 araw ang mga kumpanya ng bus para ayusin at pagandahin ang kanilang terminal.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, batay ito sa court resolution ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at para na rin sa kaligtasan at ikagiginhawa ng mga pasahero.
Maaaring maipasara o masuspinde ang kumpanya ng bus na hindi tatalima sa kautusan.



