Mga kaso ng melioidosis sa Siquijor, patuloy na binabantayan ng DA at DOH | News Light

๐Ÿ“… June 2, 2025 01:09 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated June 2, 2025 01:56 PM PHT
๐Ÿ‘ค Jomar Villanueva  |  ๐Ÿ“‚ Balitang Pangkalusugan, Latest News, News Light

Patuloy na binabantayan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) ang mga kaso ng melioidosis sa Siquijor.

Isa itong uri ng bacterial infection na epekto ng Burkholderia pseudomallei, isang bacteria na matatagpuan sa kalupaan at katubigan ng mga tropical country gaya ng Pilipinas.

Bihira lang itong dumapo sa tao, pero ito ay nakamamatay.

Ayon sa Bureau of Animal Industry sa Negros Island, patuloy na nakikipag-ugnayan ang DA sa DOH para masigurong hindi kakalat ang sakit.

Sa ngayon, wala pang bakuna kontra sa sakit.

Maaari itong makuha sa paghinga, pag-inom ng kontaminadong tubig, o kung mae-expose ang open wounds.