Kinilala na ang mga pangalang bubuo sa Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Ito ang komisyon na binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ng Executive Order 94 na mag-iimbestiga sa mga maanomalyang flood control projects at iba pang government infrastructure.
Kabilang sa mga miyembro ng ICI si Rogelio Singson na nagsilbing secretary ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon sa Palasyo, isinulong ni Singson ang transparency sa DPWH at sinigurong walang ghost projects ang ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Pinamunuan din niya ang Good Governance and Anti-Corruption Program ng Aquino administration.
ADVERTISEMENT
Kabilang din sa ICI si Rosanna Fajardo, ang country managing partner ng kumpanyang SGV at isa ring certified public accountant at certified information systems auditor, certified fraud examiner, at iba pa.
Samantala, magsisilbing special adviser at investigator ng ICI si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Kahit pa naunang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na walang politiko ang magiging miyembro ng Independent Commission.
Isa si Magalong sa mga matunog na pangalan sa kampanya ng administrasyong Marcos Jr. kontra korapsyon sa flood control projects.
ADVERTISEMENT
May nalalaman umano itong impormasyon hinggil sa mga politikong sangkot sa anomalya.
Kaugnay nito, nanawagan ang isang labor coalition na bumaba sa puwesto si Magalong.
Ayon sa Nagkaisa Labor Coalition, hindi pinahihintulutan ng 1987 Constitution para sa isang opisyal na ma-appoint sa iba pang posisyon sa pamahalaan.
Ipinagbabawal din anila ito ng Korte Suprema gaya ng desisyon nito sa Flores vs. Drilon noong 1993 kung saan sinabi ng Supreme Court na hindi pwedeng i-appoint ang isang opisyal habang nasa termino.
ADVERTISEMENT
Makatutulong din anila ang pagbaba sa puwesto ni Magalong para matutukan niya ang tungkulin bilang special adviser at investigator ng Independent Commission.



