Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na posibleng mga informal settlers ang pinakatatamaan ng “The Big One” na lindol oras na tumama ito sa Luzon.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, karamihan sa mga buildings na itinayo para sa mga ito ay walang permit at building code na sinusunod kaya mapanganib ang lagay ng mga ito.
Dagdag pa ni Remulla, ipag-uutos na umano ng pamahalaan na inspeksyunin ang naturang mga buildings.
Habang, ayon naman kay DILG Undersecretary for Operations Mario Iringan, may isasagawang infrastructure audit sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon. (Denniel Salayo/ News Light)



