Mga ilegal na kahoy, nasabat sa Balayan

๐Ÿ“… May 1, 2025 01:11 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 1, 2025 01:11 PM PHT
๐Ÿ‘ค Rose Anne Sibag  |  ๐Ÿ“‚ Batangas, DZJV Radyo CALABARZON
Photo courtesy: DENR IV-A

Nasabat ng DENR-CENRO Calaca, kasama ang PNP-Balayan, PCG-Balayan, at MENRO Balayan, ang 984.67 board feet ng ilegal na Red at White Lauan sa Barangay Navotas, Balayan, Batangas.

Nadiskubre ang nasa 36 na piraso ng ilegal na kahoy matapos itong i-report ng isang concerned citizen.

Samantala, agad na dinala ang mga ito sa DENR Provincial Nursery sa Calaca para sa safekeeping at imbestigasyon, alinsunod sa DENR Administrative Order 97-32.

Pinaalalahanan naman ng DENR ang publiko na bawal ang pagbiyahe ng kahoy nang walang permit, batay sa Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.