Naglabas na ang Department of Education (DepEd) ng memorandum sa lahat ng mga sangay nito sa buong bansa para paigtingin ang mga hakbang laban sa bullying at karahasan sa mga paaralan.
Inatasan ng DepEd ang lahat ng field offices na ipatupad ang istriktong pagbabawal sa deadly weapons sa mga paaralan, mas padaliin ang pagre-report ng mga insidente ng bullying at karahasan, at magbigay ng suporta para sa mental health ng mga estudyante.
Mga probisyong kabilang sa Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng ahensya.
Pinayuhan naman ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang mga magulang na maging alerto sa mga galawan ng mga estudyante sa loob at labas ng paaralan at maging bukas sa pakikipag-usap sa mga anak at kanilang mga guro nang malaman ang kanilang kalagayan.
ADVERTISEMENT
Bukas 24/7 ang Makabata Helpline 1383 ng CWC, isang attached agency ng Department of Social Welfare and Development, para sa mga sumbong kaugnay ng school violence.



