Sinimulan na ngayong Biyernes ang pamamahagi ng one thousand pesos na cash allowance para sa mga estudyante ng first district ng Batangas.
Sa panukalang inihain ni Batangas Representative Leandro Leviste, layong ipatupad ito para sa mga mag-aaral sa buong bansa para matulungan sila sa mga pang-araw-araw na gastusin at mabawasan ang drop out rate dahil sa kakapusan sa pera.



