Nagsagawa rin ng kilos-protesta ang mga estudyante ng University of Santo Tomas at Far Eastern University para tutulan ang kaliwa’t kanang korapsyon.
Nagtipun-tipon ang mga estudyante ng UST sa plaza mayor para panagutin ang mga korap na opisyal ng pamahaalan na sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Hindi rin nagpatinag ang mga estudyante ng FEU para kondenahin ang nangyayaring malawakang korapsyon maging ang pagsusulong na mapababa ang presyo ng tuition fees at iba pa.



