Mga estudyante at staff sa Bicol University, lumikas kasunod ng bomb threat

📅 October 9, 2025 11:47 AM PHT

Nagdulot ng kaguluhan at pagkatakot sa operasyon ng paaralan maging sa mga klase sa bicol University sa Legazpi City matapos makatanggap ng umano’y bomb threat umaga ng Miyerkules.

Ayon sa pulisya nakatanggap ng tawag ang opisina ng unibersidad ukol sa banta ng bomba sa east at west campus.

Agad namang tumugon ang Legazpi City Police at Albay Police Provincial Office hinggil dito.

ADVERTISEMENT

Idineklara naman ng mga otoridad nitong hapon na ligtas ang lahat sa anumang banta.

Matatandaang ginulat din kamakailan ang mga estudyante sa mga unibersidad sa pampanga hinggil sa kumakalat na bomb threat.