Ipinagbabawal na simula ngayong araw, Enero 2, ang mga light electric vehicle (LEV) gaya ng mga electric tricycle at electric bike sa mga major road sa Metro Manila.
Ito ang inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) kasabay ng Bagong Taon.
Kabilang sa mga major road na hindi pinahihintulutan ang mga LEV ang EDSA, C-5 Road, Roxas Boulevard, at Quirino Avenue hanggang Magallanes–SLEX.
Mababatid na noong Disyembre pa dapat ito ipatutupad ng LTO ngunit ipinagpaliban muna.
Ayon kay LTO Chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao, ang pagbabawal sa mga LEV sa mga major road ay bahagi ng kampanya ng ahensiya upang mas maging ligtas ang mga pangunahing lansangan.
ADVERTISEMENT
Babala ng LTO, sasampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code at Joint Administrative Order No. 2014-01 ang mga mahuhuling gumagamit ng LEV sa mga major road.
May kaukulang multa ito at maaari ring ma-impound ang mga e-trike at e-bike.



