Mga dayuhan na gumagamit ng pekeng Philippine documents, nais paimbestigahan ng BI | News Light

📅

Maghahain ang Bureau of Immigration (BI) ng ulat sa Department of Justice upang imbestigahan ang pinagmumulan ng ilegal na Philippine documents ng mga dayuhan.

Ayon kay BI Commissioner Joel Viado, isang banta sa pambansang seguridad ang patuloy na paggamit ng mga pekeng dokumento ng mga ilegal na banyaga para sa kanilang negosyo sa bansa.

Muling naalerto ang BI matapos maaresto ang tatlong umano’y pekeng Pilipino sa magkakahiwalay na operasyon sa Pampanga, kabilang ang isang Chinese national na si Lin Yi, 35, na nahuli sa Angeles City at gumagamit umano ng Philippine identity sa kanyang carwash business.

Natuklasan din na may mga late-registered birth certificates, tax identification numbers at business registrations ang dalawa pang suspek na sina Yan Yize at Wang Jiangyi, na umano’y konektado sa isang construction at development corporation.

ADVERTISEMENT

Mananatili sa kustodiya ng BI ang tatlo habang isinasagawa ang kanilang deportation proceedings.