Mga chikiting, masayang nakilahok sa Vacation Bible School ng kanilang mga church

๐Ÿ“… May 21, 2025 12:46 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated May 21, 2025 12:46 PM PHT
๐Ÿ‘ค Carlene Latuna  |  ๐Ÿ“‚ Good News, Good Vibes, Latest News, News Light

Ngayong bakasyon ng mga bata, huwag nating palampasin ang pagkakataong dalhin sila sa mga Vacation Bible School ng ating mga church.

May ilan na ngang church sa bansa na nagdaos ng kanilang daily Vacation Bible School kung saan nagsaya ang mga chikiting at natuto ng mga Bible stories at lessons.

At siyempre, bukod diyan, may mga song and dances rin silang natutunan.

Nag-enjoy rin sila sa mga activities at laro kasama ang kanilang classmates.

Kaya kung paparating pa lamang ang inyong DVBS, huwag ninyong i-miss ang chance na isali ang inyong mga anak dahil for sure fun-filled at lesson-filled ang mga ito.