Inatasan na ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng ahensya ng gobyerno na magpatupad ng kani-kanilang workplace policy kaugnay sa HIV at AIDS.
Ang “Enhanced Guidelines in the Implementation of Workplace Policy and Education Program on HIV and AIDS in the Public Sector” ay palalakasin ang pagtugon ng pampublikong sektor sa isyu ng kalusugan at susuportahan ang mga empleyadong positibo sa HIV.
Kabilang sa mga hakbang ang pagbibigay ng edukasyon at impormasyon, access sa testing at treatment, at pagsusulong ng anti-discrimination workplace practices na may pagsunod sa Data Privacy Act.
Hinimok din ng CSC ang mga kumpanya na makipag-ugnayan sa Department of Health at Philippine National AIDS Council para sa tamang serbisyo tulad ng counseling at pag-aalaga sa mga apektadong empleyado.
Sakop ng polisiya ang lahat ng empleyado sa pambansa at lokal na pamahalaan, GOCCs na may original charter, at mga state universities and colleges.