Nakikita ng electric company na Meralco ang posibilidad na pagbaba ng presyo ng kuryente ngayong May billing.
Paliwanag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, mababa sa ngayon ang generation charge dahil sa normal na presyo sa spot market at wala namang mga malalaking plantang nakaranas ng shutdown nitong mga nakaraang linggo.
Bumaba rin umano ang transmission charge sa merkado.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Zaldarriaga na hindi pa ito ang pinal na magiging presyo sa Mayo dahil posible pa ring tumaas ang presyo bunsod ng mataas na konsumo dahil sa mainit na panahon.
ADVERTISEMENT
Matatandaang tumaas ng ₱0.72 kada kilowatt hour ang presyo ng kuryente ng Meralco noong Abril.



