Nagsagawa ng anti-dangling wire operation ang Meralco sa Yuchengco Street, Binondo, Maynila kasama ang lokal na pamahalaan ngayong Miyerkules.
Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang operasyon kasama ang mga opisyal ng Meralco, kasabay ng pagpapatupad ng Executive Order No. 5.
Sa ilalim ng EO, inuutusan ang lahat ng kumpanya ng kuryente, cable, at telecom na tanggalin ang mga sira at nakatiwangwang na kable sa buong Maynila para sa kaligtasan ng publiko.
Tiniyak naman ng kompanya na hindi sila titigil hanggang matanggal ang mga spaghetti wire sa Maynila.



