Maaari nang magsumbong hinggil sa mga maanomalyang infrastructure projects sa anti-corruption hotline at portal na binuksan ng Mayors for Good Governance.
Sa ‘Report Infra’ hotline na 02-8459-0143 at website na mayorsforgoodgovernance.ph/reportinfraph, maaari nang ireklamo o i-report ang mga ghost, substandard, o anumang anomalous project.
Bukas ang hotline mula Lunes hanggang Biyernes at maaari namang maglagay ng litrato, video, o dokumento sa website.
Ang Mayors for Good Governance ay pinangungunahan ng mga convenor na sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pasig City Mayor Vico Sotto, Isabela City Mayor Sitti Hamman, at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
ADVERTISEMENT



