Maulap na panahon at pag-ulan, asahan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa habagat — PAGASA | News Light

📅 June 26, 2025 02:18 PM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 02:19 PM PHT
👤 Dawn Pamulaya  |  📂 Ulat Panahon, Latest News, News Light

Patuloy na maaapektuhan ng southwest monsoon o habagat ang kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon, ayon sa latest 24-hour public weather forecast ng PAGASA.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Kalayaan Islands dahil sa habagat, habang parehong kondisyon rin ang mararanasan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao Occidental dulot ng intertropical convergence zone.

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan ang inaasahan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at natitirang bahagi ng Palawan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay makakaranas ng isolated thunderstorms sa hapon o gabi.

Samantala, isang tropical depression ang namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility ng extreme Northern Luzon, taglay ang lakas ng hangin na 45 km/h at bugso na aabot sa 55 km/h at kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 10 km/h.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, at tumutok sa mga opisyal na anunsyo ng PAGASA para sa mga karagdagang update.