Maulap na panahon at mga pag-ulan, asahan sa ilang bahagi ng bansa — PAGASA| News Light

📅 November 18, 2025 11:13 AM PHT  |  ✏️ Updated November 18, 2025 11:14 AM PHT

Inaasahang makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang BARMM at SOCCSKSARGEN dahil sa patuloy na epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ), na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa Cagayan, Isabela, at Apayao, asahan din ang maulap na kalangitan at mga pag-ulang dulot ng shear line.

Maulap din at may banta ng thunderstorms ang Bicol Region, Aurora, at Quezon bunsod ng easterlies, kaya’t pinapayuhan ang publiko na mag-ingat.

ADVERTISEMENT

Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap lamang ang panahon sa Batanes at Ilocos Norte na may mahihinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, posible ang panandaliang pag-ulan o thunderstorms lalo na tuwing hapon at gabi.