Inaasahan ngayong araw ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Ilocos Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Bulacan, at Davao Oriental dahil sa patuloy na epekto ng southwest monsoon o habagat.
Babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring magdulot ng flash floods o landslides ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.
Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulupulong pag-ulan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms, na maaari ring magdulot ng pagbaha sa matinding buhos.
Samantala, ang severe tropical storm Podul, o dating Gorio, ay nasa labas na ng Philippine area of responsibility ngunit patuloy na nakakaapekto sa panahon sa bansa.
ADVERTISEMENT



