Math prodigy mula Isabela, nasungkit ang ginto sa World Int’l Mathematical Olympiad | News Light

📅

Nangibabaw muli ang talino ng isang kabataang Pinoy sa International Math Olympiad.

‘Yan ay nang masungkit ni David Padua III ng St. Dominic Human Development Center Inc. sa Isabela ang gintong medalya sa World International Mathematical Olympiad 2025.

Si Padua ang tanging nagkamit ng ginto mula sa Pilipinas para sa Secondary 3 category ng kompetisyon.

Bago pa ‘yan, nagkamit na siya ng dalawang ginto sa International Mathematical Olympiad, Hong Kong International Mathematical Olympiad, at Big Bay Bei Olympiad noong 2025.

ADVERTISEMENT

Ilan sa mga bansang nakilahok sa kompetisyon ay ang Singapore, Thailand, at India.

Kaya, pagbati para sa iyong tagumpay, David!