Masusing pagsusuri bago isailalim ang Discaya couple sa Witness Protection Program, iginiit ni Justice chief Crispin Remulla

📅

Nilinaw ni Justice chief Crispin Remulla na hindi pa aprubado ang hiling ni Sen. Rodante Marcoleta na isailalim sa Witness Protection Program ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Giit ni Remulla, hindi siya nangako sa pag-uusap nila ni Marcoleta sa telepono at dapat munang masuri kung totoo ang sasabihin ng mga aplikanteng testigo.

Binigyang-diin din ng kalihim na hindi agad-agad ibinibigay ang proteksyon kung walang masusing pag-aaral sa records ng mga kinukunsiderang witness.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng DoJ at NBI sa maanomalyang flood control project.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Remulla, makakatulong ang Independent Commission on Infrastructure na pinamumunuan ni dating Supreme Court Justice Andres Reyes sa pagbuo ng ebidensya para sa posibleng kasong plunder, malversation, at iba pang charges laban sa mga opisyal at pribadong indibidwal.