Pinuna ni Vice President Sara Duterte ang tila mabagal umanong aksyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbuo ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) laban sa flood control scandal.
Ayon kay VP Sara, nakita na ni PBBM kung paanong binabalahura ang pondo para sa flood control.
Kaya naman dapat na raw direktang tanggalin ni PBBM sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez at sabihan ang mga kaalyado sa Kongreso na ayusin ang pondo at panagutin ang mga may sala.
Dagdag pa ng Bise Presidente, hindi umano alam ng Pangulo ang kaniyang gagawin sa gitna ng pagmamadali ng bansa na maresolba ang isyu ng korapsyon sa pondo para sa flood control.



