Mas malalim na imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero, ipinag-utos ni PBBM

📅 July 3, 2025 11:34 AM PHT  |  ✏️ Updated July 3, 2025 11:34 AM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas malalim na imbestigasyon sa kaso ng nawawalang mga sabungero, matapos sumingaw ang alegasyon.

Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, nais ng Pangulo na mahuli at mapanagot ang lahat ng responsable.

Tiniyak din ni Castro na nananatili ang tiwala ng malacañang sa integridad ng korte sa kabila ng mga balitang maimpluwensyahan ang mga ito ng mga sangkot na mga indibidwal.

Naglunsad na rin ng sariling imbestigasyon ang NAPOLCOM matapos lumabas ang pahayag ng naarestong si alyas “totoy,” na aabot sa dalawampung pulis ang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi ni tTotoy na ihahain niya ang sworn affidavit na naglalaman ng mga pangalan ng mga sangkot.

Matatandaang umabot na sa tatlumpu’t apat na sabungero ang naitalang nawala mula 2021 hanggang 2022 na umano’y dahil sa game-fixing at dayaan sa sabong.

Iginiit pa ni Totoy, na ibinaon na sa Taal lake ang mga biktima.