Mas maagang notice sa posibleng Rocket Debris, hiling ni PBBM mula sa china

📅

Humihingi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mas maagang notice mula sa China sa susunod na maglulunsad ito ng rocket malapit sa bansa.

Ito ay kasunod ng naireport na rocket debris na naispatang nahulog malapit sa Palawan noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Marcos, bagamat walang nasaktan o natamaan ng rocket debris ay mas mainam na maipagbigay alam ng Beijing ang plano kung saan inaasahang babagsak ang debris.

Giit pa ni PBBM, walang interes ang pilipnas sa mga rocket na ito at pwedeng ang pamahalaan pa mismo ang kumuha ng debris para ibalik sa China.