Tapos na ang major repairs sa NLEX Marilao northbound bridge kaya naman muli nang nadaanan mula hatinggabi ng lunes ang lahat ng apat na lane sa naturang expressway.
Ayon sa NLEX corporation, pinabilis nila ng pagsasaayos ng tulay na nasira dahil sa pagbangga ng isang oversized truck na labag sa batas-trapiko.
Kasunod ng utos ng DOTR, sinuspindi muna ang singil ng toll sa bahaging balintawak hanggang meycauayan mula ala-una ng madaling araw ng linggo hanggang lunes ng gabi.
Matatandaang una itong nasira noong March 19 na agad namang naisaayos pagkaraan ng isang linggo.