Tila napa-preno sa kanyang mga pahayag si Pang. Bongbong Marcos Jr. ukol sa pamamahagi ng fuel subsidy sa transport sectors.
Sa media interview ni PBBM sa Capas, Tarlac June 25 ng umaga, dedepende anya ang pamamahagi ng subsidiya sa langis sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Noong isang linggo lang nang ipagutos ni Marcos ang fuel subsidy matapos tumaas ang presyo ng langis bunsod ng banta ng digmaan sa pagitan ng Israel at Iran.
Pero agad ding bumagsak ang presyo nito nang anim na porsyento, matapos ang surpresang ceasefire deal ng dalawang bansa nitong June 24.