Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pananagutin niya ang may kapabayaan sa landfill na gumuho noong January 8 sa Barangay Binaliw, Cebu City.
Sa kanyang talumpati sa isinagawang naming and delivering ceremony sa Balamban, Cebu nitong Huwebes, sinabi ni Marcos Jr. na kumikilos ang pamahalaan para masiguro ang transparency at accountability sa nangyaring trahedya.
Ang gumuhong landfill ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Prime Integrated Waste Solutions Incorporated (PWS), na subsidiary ng Prime Infrastructure Capital Incorporated na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Enrique Razon Jr.
Handa ang pamahalaan na sagutin ang pagpapalibing sa mga biktima at maghatid ng iba pang tulong sa mga naulilang kaanak.
ADVERTISEMENT
Pinangunahan din ni Marcos Jr. ang pag-aalay ng saglit na katahimikan at panalangin para sa mga biktima.



