Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na makiisa upang maayos ang mga outdated o makalumang polisiya sa bansa.
Ayon sa Pangulo, maaaring magsumite ng mga policy proposal ang publiko sa pamahalaan para sa ikaaayos ng mga problemang kinakaharap ng bayan.
Binigyang-diin ni Marcos Jr. ang aniya’y mga outdated na polisiya na nagpapabagal sa mga transaksiyon sa pamahalaan.
Binatikos naman ng ilang kritiko ang pahayag ng Pangulo hinggil sa policy proposal.
ADVERTISEMENT
Ayon sa ekonomista at dating Finance undersecretary na si Cielo Magno, tila nagka-crowdsource ang pamahalaan ng mga polisiyang ipatutupad nito.



