Marcos Highway, nakaranas ng “carmageddon” dahil sa mga lumalabag sa batas-trapiko | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Sa pagsasagawa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ng mga traffic interventions at mahigpit na pagbabantay ng trapiko sa Marcos Highway, napag-alamang mga walang disiplinang pasahero at motorista ang sanhi ng “carmageddon.”

Ayon sa Facebook post ng MMDA, nagdudulot ng malalang pagbigat ng trapiko ang mga pampublikong transportasyon na nag-i-illegal terminal o nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero sa hindi dapat na lugar, pati na rin ang pag-iintay ng masasakyan ng mga komyuter sa gitna ng lansangan makapunta lamang sa paroroonan.

Patuloy ang pagbabantay ng MMDA at ng mga LGU sa Marcos Highway, at wala namang naiuulat na gridlock o pagka-stuck ng mga sasakyan nitong weekend.

Patuloy ang pansamantalang pagpapaliban ng mall-wide sale sa mga karatig na mall sa Marcos Highway. (Austin Gonzaga/News Light)