Walang hiningi ang Marcos Administration sa proposed 2026 national budget na pondo para sa kontrobersyal na Ayuda para sa kapos ang kita o AKAP Program.
Matatandaang wala ring alokasyon para sa akap sa isinumiteng 2025 National Expenditure Program o NEP ng budget department.
Pero sa bersyon ng General Appropriations Bill ay nag-laan ang house of representatives ng P39 billion para sa naturang programa na kalaunan ay naibaba sa P26 billion sa pinal na bersyon ng GAB.
Gayunpaman, may pondo pa rin para sa mga ayuda ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program alinsunod sa batas. Tupad ng DOLE, at iba pang poverty alleviation programs.



