Bagamat wala pang pormal na anunsyo mula sa Pambansang Kamao, inaasahan na ni World Boxing Council President Mauricio Sulaiman ang pagbabalik sa professional boxing ni Manny Pacquiao.
Ayon sa kanya, posible raw labanan ni Pacquiao si kasalukuyang welterweight champion Mario Barrios sa Hulyo.
Nais umano ni Pacquiao na magretiro bilang isang welterweight champion kaya lalabanan nito si Barrios.
Matatandaang huling nakipaglaban sa professional boxing si Pacquiao noong 2021 at natalo laban kay Yordenis Ugas.
ADVERTISEMENT
Wala pang anunsyo tungkol dito ang kampo ni Pacquiao na kasalukuyang abala sa kanyang muling pagtakbo sa Senado.



