Magpapatupad ng bawas singil ang Manila Water ngayong buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.
Ayon sa Manila Water Corp., ₱1 at ₱0.20 ang ibabawas sa singil ng mga kumokonsumo ng 20 cubic meters kada buwan.
Samantala, ₱2 at ₱0.45 naman ang bawas singil para sa mga kumokonsumo ng 30 cubic meters kada buwan. (Sarah Lagsac-Arsenio/News Light)