Manhunt vs. Atong Ang, gumugulong na; 17 dawit sa kaso ng missing sabungeros, arestado | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Sampung pulis at pito pang iba ang inaresto kahapon matapos ang ibinabang warrant ng korte laban sa mga may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero, ngunit tumakas umano si Atong Ang na tinuturong mastermind, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Inilunsad ang manhunt matapos ang arrest warrants na ibinaba ni Judge Mary Jean Cajandab-ong ng Regional Trial Court Branch 26 sa Sta. Cruz, Laguna noong January 13 para sa non-bailable cases ng homicide, kidnapping, at serious illegal detention ng mga sangkot.

Bunsod nito, dinampot sina Lt. Col. Ryan Jay Orapa, Executive Master Sergeant Aaron Cabilan, Senior Master Sergeants Mark Anthony Aguilo Manrique at Anderson Abary, at 12 na iba pa, kabilang ang ilang tauhan ni Ang.

Tinanggi naman ng Bureau of Immigration (BI) na mataas ang tiyansang nasa bansa pa si Ang dahil wala pa itong biyahe abroad kamakailan.

ADVERTISEMENT

Samantala, batay naman sa Department of Justice (DOJ), inaasahan pa ang pagsasampa rin ng warrant ng Regional Trial Court branch ng Lipa City, Batangas, at San Pablo, Laguna kung saan mayroon ding pending cases ang mga akusado. (Denniel Salayo/News Light)