Isinusulong ngayon ng isang mambabatas ang rehabilitasyon at proteksyon ng Mt. Makiling Forest Reserve kasunod ng mga pagbaha sa Laguna.
Sa House Resolution No. 58 na inihain ni Calamba Lone District Representative Cha Hernandez, ipinanawagan ang inter-agency at science-based approach para tugunan ang malawakang pagbaha sa Laguna bunsod ng lumalalang kalagayan ng Mt. Makiling.
Bukod sa baha, magkahalong putik at debris ang umagos mula sa bundok na, ayon sa resolusyon, ay patunay ng environmental degradation ng Mt. Makiling.
Ang Mt. Makiling ay exposed sa deforestation at soil erosion—bagay na kailangang tugunan ng mga ahensya ng pamahalaan, kabilang na ang DENR, Mount Makiling Center for Mountain Ecosystems, UPLB, DOST, NDRRMC, at mga LGU sa Laguna.



