Malinaw na CCTV, e-contest, GCash payment ng multa, kasama sa new innovation ng MMDA ‘May Huli Ka’ | News Light

📅
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Ipinakita ni MMDA Chairman Romando Artes sa media ang mas malinaw na CCTV, mga bagong paraan upang ilaban ang naipataw na violation, at ang bagong mode of payment para sa multa sa pamamagitan ng GCash transaction sa “May Huli Ka” website.

Sa pagpapatuloy ng umiiral na No Contact Apprehension Policy (NCAP), ang mga bagong innovation ng MMDA ay makatutulong upang maging mas ligtas ang mga motorista at iba pang gumagamit ng pampublikong lansangan sa Metro Manila.

Sa mga bagong surveillance camera o CCTV, tinted man ang sasakyan o gabi bumiyahe, makukuhanan nito ang mga lumalabag sa batas tulad ng hindi paggamit ng seatbelt o mga gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho.

Isa rin sa mga highlight nitong nakaraang Biyernes ang MOA signing kasama ang G-XChange, Inc., ang kumpanyang namamahala sa e-wallet app na GCash, kung saan maaari nang magbayad ng multa at magre-reflect na sa loob ng isang araw sa account na nakapagbayad na ang motorista para sa kanyang violation.

ADVERTISEMENT

Kabilang din ang e-contest sa “May Huli Ka” website, kung saan maaaring ilaban ng mga motorista ang mga violation na naitala ng MMDA kung sakaling mali ang naging pagpataw sa kanila. Kabilang dito ang mga electric at hybrid vehicles na madalas mahuling lumalabag sa expanded number coding scheme, ngunit ayon sa Evida Law, exempted sila rito dahil sa uri ng sasakyang kanilang minamaneho.

Umabot na sa 252,315 violations ang nahuli ng NCAP at 119,345 dito ang na-validate ng MMDA mula November 30, 2025. (Austin Gonzaga/News Light)