Malawakang pagkilos sa November 30, dapat gawing maayos — grupo; PBBM, hindi opsyon ang pagbibitiw ayon sa Palasyo | News Light

📅 November 24, 2025 1:03 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Nagpaalala ang ilang grupo sa taumbayan sa gitna ng kaliwa’t kanang kilos protesta sa bansa, gaya ng paparating na malawakang rally sa November 30.

Marapat na ilatag ng bawat isa ang kongkretong hinaing at solusyon sa mga isinasagawang pagkilos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa civic org leader na si Dr. Antonio Goitia, magandang masiguro ng organizers na ligtas na maisasagawa ang pagtitipon.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi padadaig ang Marcos Jr. administration sa mga nananawagan sa pangulo ng resignation at tuloy ang pagtatrabaho ng pangulo. (Denniel Salayo/News Light)