Makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na hangin sa Central Luzon, partikular sa mga bayan ng Santa Cruz at Candelaria sa Zambales.
Habang ang ilang bayan sa Quezon, katulad ng General Nakar, Panukulan, Burdeos, Polillo, Patnanungan, Jomalig, at Infanta ay makakaranas din ng mga pag-ulan ngayong araw.
Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Hinihikayat din ang publiko na patuloy na mag-monitor sa mga susunod na abiso ng PAGASA para sa kanilang kaligtasan.
ADVERTISEMENT




