Nararanasan ngayon ang malawakang pagbaha at malakas na hangin sa northeast Estado Unidos habang binabayo ng Nor’easter storm ang baybayin ng New Jersey at Massachusetts.
Sa baybayin ng New Jersey, baha ang mga kalsada kasabay ng pagligtas ng coast guard sa isang tao malapit sa Cape cod.
Matinding ulan at hangin din ang nararanasan sa New York City.
Inaasahang namang lalabas na ang bagyo ngayong Martes.
ADVERTISEMENT
Samantala, isa naman ang naitalang patay sa Alaska habang dalawa ang nawawala matapos tumama ang typhoon Halong.
Nagbabala na rin ang mga otoridad ng posibleng pagbaha sa california at sa Los Angeles habang matinding yelo naman ang nararanasan sa Sierra Nevada mountains.



